Lunes, Hulyo 22, 2013

Student Nurse

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan `to. Wala akong maisip kung ano ang sasabihin ko. Kung ano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Pero eto na, may naisip na ko.

Paano ba maging isang "student nurse"? Ano ba yung "nursing"? Madali bang maging "nurse"? Sa totoo lang, hindi ko alam kase wala talaga akong kaide-ideya na kukuha ako ng ganitong kurso. Ni hindi ko naisip nung 4th year high school ako na isama ang "nursing" sa mga pinagpipilian kong kurso para sa kolehiyo. At kahit kailan hindi ko `to inilgay sa application form na ipinasa ko sa school administration ng paaralan aking pinapasukan ngayon. Pero, isang araw bigla na lang akong napa-"OO" nung tinanong akong, "ano, mag-nursing ka na lang?" Hindi ko alam kung bakit yun ang naisagot ko. Hindi ko alam kung tama ba yung desisyon na ginawa ko. Ewan ko. Wala akong alam. Oo, hindi ko talaga alam. Dahil wala talaga akong alam.

Unang araw ko bilang isang "1st year college student", seryoso mukha pa kong nene, wala pa akong kaalam alam sa mga nangyayari sa paligid ko. Para akong hindi taga-Sta.Cruz at para hindi ko alam na may ganito pa lang paaralan. Ang daming tao, ang daming mukha, yung mga bago sa paningin ko. For short, na culture shocked ako. Parang "totoo? college na talaga ko? Nursing na ko".

Sa paglipas ng oras, nakita ko at nakilala ko ang mga future classmates ko. Mga makakasama ko sa araw-araw. Mga makakasalumuha at makakausap ko. Ni hindi ko alam kung sino ang magiging kaibigan ko at kung sino ang hindi ko makakasundo. Pero dahil may pagka-maldita ako. OO, inaamin ko maldita ako, alam ko kung sino ang hindi ko makakasundo. Kumausap ako ng iilan sa kanila, meron madaling lapitan at meron din mahiyain.

Eto na, magsasabe na ko ng mga karanasan ko bilang isang "student nurse" ika nga. Medyo may dating pag ganun ang tawag sa akin, o sa amin parang ang taas na agad. Ibang level.

Sa unang sabak, hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Ano ba? Paano ba magaral ang isang "nursing student?" Meron kaming libro, at hindi ito isang ordinaryong libro dahil eto ay LIBROOOOOOO. Yung umaabot ng hanggang 2000+ yung page. Tapos hinati pa sa dalawang volume. Hindi ito madaling aralin dahil pag binasa mo ito, sasakit ang ulo mo, dudugo pa ilong mo dahil hindi mo maiintindihan yung mga terms na nakalagay at kakailanganin mo ng diksunaryo. Pero hindi ordinaryong diksyunaryo dahil ang kailangan mo ay medical dictionary. Panibagong libro na naman, ito ay naglalaman ng mga salita na may kinalaman lang sa larangan ng medisina. Sa araw-araw na papasok ka, kailangan mong magdala ng libro dahil kawawa ka kung wala kang dala dahil lagot ka pag wala kang naisagot sa quiz, recitation o sa exam.

Kailangan mo din ng log book, eto yung notebook na minsan ay kulay blue or green na malaki, yung sa mga guard yung lagayan nila ng pangalan na may nakalagay kung anong oras sila pumasok. Basta yun na yun. Dito mo isusulat ang mga notes, assignment, mga lectures at yung mga nasa libro ay kailangan mo din isulat sa log book. Nagtataka kami nung una, bakit kailangan pang isulat eh nasa libro naman. Pero kailangan, kase hindi naman lahat ng nasa libro ay nababasa mo kaya parang buod na lang yung nasa notebook.

Noong 1st year ako, may subject kaming Anatomy and Physiology kung saan ang buong katawan ay pagaaralan mo, mula sa ulo hanggang sa paa hanggang sa kaloob-looban hanggang sa pinaka-maliit na detalye ng iyong precious body! Nung una hindi ako makagets dahil ang hirap niya talagang aralin, at isa pa mismong doctor yung magtuturo sayo, kaya patay ka pag hindi ka talaga nakinig. Yung ismong nagsusulat ka ng sinasabe niya bigla-bigla ka na lang tatawagin.

Nang tumungtong ako ng 2nd year dito na nagsimula yung pagdu-duty ko sa ospital. Ang una ay sa brgy. O yung tinatawag na Community Health Nursing kung saan pupunta ka sa isang lugar at bibigyan mo ng halaga, alaga at impormasyon yung mga pamilyang nakatira doon. Mainit! Oo, mainit! Masakit sa ulo yung ginagawa namin dahil mula 7:30am-11:45am kailangan mong maglibot doon sa lugar na yun. Kasagsagan ng init, kailangan mong tiisin. Meron pa kaming bitbit na maliit na bag na kulay itim na ang laman ay sari-saring panturok, pang-BP, thermometer, bulak, alcohol at kung anu-ano pa. Kapag umulan, ayan na! Hindi na alam ang gagawin, mahirap ang daan, maputik, madulas ang dadaanan, yung black shoes mong bagong kiwi eh pagalis mo dun may putik na. Pagtapos ay babalik kami ng school, syempre baon-baon naming yung putik na nasa sapatos namin. Pagtatawanan o kaya pagititinginan kami ng ibang department. At dahil sa Community, halos lahat kami ay nasunog.

Sa ospital, masarap magduty, masaya, madaming experience. Dahil dito, ditto mo talaga maa-apply yung mga natutunan mo sa school. Mahirap lang kapag ang duty mo umaga tapos malayo pa. Gigising ka ng madaling araw, maliligo tapos malamig yung tubig at bibiyahe kasabay ng malamig na panahon. Sarap! Pagdating mo dun sa ospital eh mukha kang bangag hindi pa nagsisimula yung shift eh feeling mo pagod na pagod ka na agad. Inaamin ko, pinaka mahirap na area sa isang ospital ay yung Pedia ward. Kung saan panay baby at bata ang makakasalamuha mo. Kailangan maingat ka sa pagbibigay ng alaga sa kanila, dahil masyado silang “fragile”. Kapag hinawakan mo, bigla na lang iiyak, tapos sabay-sabay na yun silang iiyak. Ang sakit sa tenga, nakakarindi! Maswerte ka kung ang maaassign sayo eh yung mga school-aged na, ayan medyo behave kaya ang sarap sa pakiramdam.

Everytime na nagdu-duty ako hindi pwedeng hindi ako makakaramdam ng anxiety, dahil baka mamaya palpak ako, magkamali ako sa gagawin ko. Pero bago ako mag-start nagdadasal para humingi ng guidance. Lagi akong maswerte sa pasyente dahil minsan pauwi na, minsan naman ay cooperative, lahat ng tanong ko sinasagot ng ayos. Pero syempre minsan, nagkakamali din ako. Yung hindi ko naibibigay sa tamang oras yung gamot dahil hindi ko narecite kung para saan yun. Pero isang beses pa lang naman nangyari yun at wala ng susunod. Haha!

Masaya at masarap maging isang “student nurse” dahil dito mararanasan mo lahat ang hindi nararansan ang isang ordinaryong estudyante. Yung makakakita ka ng laman loob. Yung bubuksan yung tiyan tapos ilalabas yung bituka, hahalungkatin kung meron mga depekto sa bawat organ na nasa loob. Yung namamangha ka pag may lumalabas na bata sa p*pe ng babae, yeah! Medyo bastos pero totoo. Yung mapapaisip ka na “paano nangyari yun? Paano nagkasya yung bata doon?” Yung maaawa ka kapag yung nailabas na bata ay sobrang payat o sobrang liit yung bang tinatawag na “premature baby” yung kulang sa buwan. Tapos pag ilalabas na yung bata may kasabay na *poop. Medyo kadiri pero kailangan tiisin.

Sa pagduduty ko dito ko naranasan maging kanang kamay ng doctor. Yung iaabot mo yung mga instrument na gagamitin para hiwain o kung ano man ang gagawin kapag ooperahan, yung kailangan alam mo kung ano yung susunod na iaabot dahil kapag mali ang inabot mo, ibabato nila yan sayo. Swerte mo pag mataray yung doctor, double anxiety!

Nung nagduty kami sa Manila nung summer, eto ang pinaka masaya! Ibang experience. Oo, parehas lang ang gagawin mo, pero iba yung “aura” o “set-up”. Sa San Lazaro Hospital kung saan ang mga pasyente ay may nakakahawang sakit. Syempre nakakatakot, pero kung nainom ka ng vitamins, aba’y lalakas ang iyong immune system! Pero hindi na ganun katibay dahil masyado na kaming expose sa mga may sakit. Dito nakahawak ako ng pasyenteng may dengue, may bulutong, may pneumonia at ang pinaka-malala, may TB!!!! OO, may TB! Kailangan mo magsuot ng mask, at hindi ordinaryong mask. Kung `di yung mask na tinatawag na “N95”, mask ito, hindi ito cellphone na nasa isip mo! Google mo para malaman mo. At hindi lang isang mask, kung di dalawang mask ang isusuot mo, pero kung gusto mo talagang hindi makalanghap eh maglagay ka ng panyo sa loob para triple masking. Goodluck sa paghinga mo! At pagtapos kausapin at hawakan ang pasyente kailangan mong maghugas mabuti ng kamay at kung pwede lang eh hindi ka hihinga para talagang hindi mo malanghap yung hangin. Dahil hindi mo alam, yung isang pasyente ay umbo pala tapos humalo sa hangin at nalanghap mo pa! Saraaaaap!

Sa Philippine Orthopedic Center kung saan ang mga pasyente ay may sakit sa buto, nabalian ng buto, nawalan ng braso o binti, at kung anu-ano pa basta may kinalaman sa buto! Dito nakakita ko ng pasyenteng may bakal sa katawan. Kung hindi nasa loob ng katawan, eh nasa labas, nakasabit, nakakabit, nakatusok. Mahirap kumilos dahil kapag nadali mo kung ano man ang nasa katawan nila, eh siguradong mapapa-aray ang pasyente mo. Ingat ka.

At ang huli, sa National Center for Mental Health. Alam mo ba kung saan yan? Yan ay sa Mandaluyong loob. Oo, pag pupunta ka ng Mandaluyong, itatanong sayo, sa loob o sa labas? Dito, dito talaga ang pinaka masayang experience. Pero syempre sa una matatakot ka dahil hindi mo alam baka sumpungin yung pasyente mo at bigla na lang magwala. Pero pasalamat kami dahil wala naman eksenang ganun. Siguro sa ibang “pavilion” eh meron. Ang swerte swerte naming dahil ang nahawakan naming pasyente eh hindi na nga matino may TB pa! San ka pa! Oo nakakatakot pero kailangan mong tiisin at tanggapin yung ganung tao. Pag kinausap mo sila kailangan mata sa mata, gagamit ka ng “therapeutic communication” sabe nila. Hindi ka dapat magtatanong ng bakit dahil baka lalo silang mabaliw sa kakaisip. Pero ingat ka, once na mapalapit ka sa kanila, maaawa ka talaga sa kanila. Sabe nga, “sympathy” wag “empathy”.

4th year na ko, 50-50 pa kung makaka-graduate ako dahil may thesis pa, madami pang requirements ang kailangan tapusin at ipasa. Kailangan pang maka-complete ng case sa operating room at delivery room dahil isa ito sa mga requirements para maka-graduate.  Mahirap. Sobrang hirap maging isang “nursing student”. Nagduduty ka na nga, napasok ka pa sa school. Hindi ka makakasingit ng mga extra-curricular activities dahil hindi mo alam kung saan mo ilalagay. Mahirap sa schedule. Mahirap. Sobrang hirap.

Hindi ko man ginusto ang “nursing” sa una, pero habang tumatagal minamahal ko na ito. Kung gusto mo ang isang bagay, paghihirapan mo talaga para makamit mo yung pangarap mo.

Ngayon alam ko na kung anong pangarap ko, maging iyo. Charot Hindi, gusto kong maging nurse. Hindi mali pa din, gusto kong maging isang “successful registered nurse”.


Maraming salamat sa pagbibigay mo ng oras para basahin itong ginawa ko. Wala kase talaga akong magawa. Tinatamad ako.


19 (na) komento:

  1. I feel you po. I'm a student nurse din, 1st yr palang. Sobrang hirap ng major subs esp. Anaphy pero sabi nga namin sa barkada 'LABAN LANG,KAKAYANIN NATIN,TIIS MUNA US, GUYS TATLONG TAON PA, ISIPIN NATIN MAGTOTOPNOTCH TAYO, PRAY LANG KAY GOD', habang binabasa ko to naiisip ko mga mukha namin pagdating ng 4th yr HAHAHHAHA. So here us now po, patuloy na lumalaban para sa pangarap na maging isang RN, USRN, UKRN, MAN, MSN hanggang MD. AJAAAA!!:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hi, tanong ko lang po sa RN ba is more on math? mahirap po ba kumuha ng course na RN yun po kasi balak kong i take ngayong graduating na ako at papunta ng first year college

      Burahin
    2. Ano po ba yung mga dapat i take na course bago maging NPs?

      Burahin
  2. Aq rin nung ng enroll aq
    C ate q kasama q anong kukunin d q alam cia ang ng deside ng courso q d bah ang galing tapos a stop aq 1 year lng natapos q ngaun 29 years old na aq at my asawa at anak gusto q ulit mg aral ipagpatuloi ang nursing my mgpapaaral d i grab q d bah peo anb gusto nila education daw peo mas gusto q ang nursing ngaun

    TumugonBurahin
  3. Hi, pede ko ba gamitin experience mo sa susulatin kung short story? Nursing student yung bida. Pero hndi nmn ako nkatapos ng college at hindi rin ako familiar sa nursing course.

    TumugonBurahin
  4. Hi, pede ko ba gamitin experience mo sa susulatin kung short story? Nursing student yung bida. Pero hndi nmn ako nkatapos ng college at hindi rin ako familiar sa nursing course.

    TumugonBurahin

  5. Actually medyo undecided pako sa kukunin kong course sa college which is eto nga Nursing sobrang kinakabahan ako hindi ko alam kung kakayanin ko sobrang nakaka bahala lalo dahil nakakabasa ako ng mga ganitong story pero naisip ko walang IMPOSIBLE SA TAONG MAY PANGARAP yeah HAHAHA We just need to accept the fact na bago mo makuha ang isang bagay kailangan mo itong paghirapan dahil hindi natin makukuha ang gusto natin basta basta. Parang halaman lang yan. Minsan kelangan nating mag invest ng time and energy for it to grow. dahil during these times, mahirap kase it's between your dream or practicality. So ang point ko lang, utilize what you have right now but that does not mean you will stop to dream. do not think of all the negative things about it. Try to find something positive. kasi kahit san profession ka man mapunta, ang importante talaga is ang diskarte and how you are able to solve challenges that only gives you comfort but of course it takes hard work and perseverance at wag mabahala kase maka kasama natin si God sa pagsubok at laban na tatahakin natin sa buhay

    _𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝚊𝚕𝚕 𝚔𝚎𝚎𝚙 𝚜𝚊𝚏𝚎 𝚎𝚟𝚎𝚛𝚢𝚘𝚗𝚎 ㋡

    TumugonBurahin
  6. Sabi po nila wala daw pong math ang nursing, totoo po ba? Im grade 9 student and i dream to be nurse, mahina po kasi ako sa math so nung nalaman kong walang subject ang nursing na math, yun na talaga ang pinurse kung dream, so it is true po ba?

    TumugonBurahin
  7. Mahirap po ba talaga ang nursing? Sa totoo lang hindi ako sigurado sa kukuhanin kong kurso, which is nursing, nung una kung ano lang yung nanjan na kurso yun lang kukuhanin ko, hanggang isang araw ng may nagtanong sa akin kung anong kukuhanin ko unang pumasok aa isip ko hung nursing, hanggang ngayon na magcocollege na ako at iniisip ko kung tama ba talaga ang kukuhanin ko? Tama ba talagang mag nursing ako, pero ng marinig ko ang salitang nurse nag research ako about dun, sa totoo lang hindi naman sa mahina ako mag-isip yung sapat lang, simula high school ako about cookery yung kinuha ko pati ngayong senior high school na ako sabi ko sa sarili ko chef kukuhanin ko sa college, at ngayon nga mag cocollege na ako bigla akong nagdalawang isip, pero ngayon para sa akin mas lamang na ang nursing. Mahirap po ba talaga sa nursing? Sorry po sa tanong ko ah, nalilito pa po talaga ako ngayon kung anong kukuhanin kong kurso�� sana po mapayuhan niyo ako��

    TumugonBurahin
  8. Mahirap po ba talaga ang nursing? Sa totoo lang hindi ako sigurado sa kukuhanin kong kurso, which is nursing, nung una kung ano lang yung nanjan na kurso yun lang kukuhanin ko, hanggang isang araw ng may nagtanong sa akin kung anong kukuhanin ko unang pumasok aa isip ko hung nursing, hanggang ngayon na magcocollege na ako at iniisip ko kung tama ba talaga ang kukuhanin ko? Tama ba talagang mag nursing ako, pero ng marinig ko ang salitang nurse nag research ako about dun, sa totoo lang hindi naman sa mahina ako mag-isip yung sapat lang, simula high school ako about cookery yung kinuha ko pati ngayong senior high school na ako sabi ko sa sarili ko chef kukuhanin ko sa college, at ngayon nga mag cocollege na ako bigla akong nagdalawang isip, pero ngayon para sa akin mas lamang na ang nursing. Mahirap po ba talaga sa nursing? Sorry po sa tanong ko ah, nalilito pa po talaga ako ngayon kung anong kukuhanin kong kurso😊 sana po mapayuhan niyo ako😊

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hiii, same tayoo huhu. nung high school at shs din ako about cookery yung kinuha ko kase gusto ko din maging chef. pero ayaw nila na ayun ang kunin ko. iba iba sila nang gusto na kunin ko na pre pressure ako kaya nag stop muna ako mag college and this year palang ako mag aaral. kaya pinag iisipan kong mabuti kung ano kukunin ko sa mga gusto nilang I take ko. Kung nursing ba, accountancy or teacher. huhuhu.

      Burahin
  9. Mahirap po ba talaga ang nursing? Sa totoo lang hindi ako sigurado sa kukuhanin kong kurso, which is nursing, nung una kung ano lang yung nanjan na kurso yun lang kukuhanin ko, hanggang isang araw ng may nagtanong sa akin kung anong kukuhanin ko unang pumasok aa isip ko hung nursing, hanggang ngayon na magcocollege na ako at iniisip ko kung tama ba talaga ang kukuhanin ko? Tama ba talagang mag nursing ako, pero ng marinig ko ang salitang nurse nag research ako about dun, sa totoo lang hindi naman sa mahina ako mag-isip yung sapat lang, simula high school ako about cookery yung kinuha ko pati ngayong senior high school na ako sabi ko sa sarili ko chef kukuhanin ko sa college, at ngayon nga mag cocollege na ako bigla akong nagdalawang isip, pero ngayon para sa akin mas lamang na ang nursing. Mahirap po ba talaga sa nursing? Sorry po sa tanong ko ah, nalilito pa po talaga ako ngayon kung anong kukuhanin kong kurso😊 sana po mapayuhan niyo ako😊

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hi, ask ko lang kung more on math po na ang nursing, graduating student po kasi ako ng highschool and pa first year college palang ako, need ko lang po malaman kung 1st to 4th year e may math? im not good in math po kasi

      Burahin
  10. hi po, sa mga graduating and incoming first year highschool na ang course ay RN, more on math po ba ang RN mula 1st to 4th year po ba is may math?

    TumugonBurahin
  11. Hi Im a It student makakapag enroll ba ako ng nursing sa college kase sa totoo lang eh 50-50 ang desisyon kong to kase gustong gusto ng papa ko na mag nursing ako si mama naman eh magpulis daw ako since di ko keri maging pulis kase parang di ko talaga kaya yun mag ninursing nalang ako kase sa totoo lang wala pa kong maisip kung ano kukunin ko .

    TumugonBurahin