Hindi
ko alam kung paano ko sisimulan `to. Wala akong maisip kung ano ang sasabihin
ko. Kung ano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Pero eto na, may naisip na
ko.
Paano
ba maging isang "student nurse"? Ano ba yung "nursing"?
Madali bang maging "nurse"? Sa totoo lang, hindi ko alam kase wala
talaga akong kaide-ideya na kukuha ako ng ganitong kurso. Ni hindi ko naisip
nung 4th year high school ako na isama ang "nursing" sa mga
pinagpipilian kong kurso para sa kolehiyo. At kahit kailan hindi ko `to inilgay
sa application form na ipinasa ko sa school administration ng paaralan aking
pinapasukan ngayon. Pero, isang araw bigla na lang akong napa-"OO"
nung tinanong akong, "ano, mag-nursing ka na lang?" Hindi ko alam
kung bakit yun ang naisagot ko. Hindi ko alam kung tama ba yung desisyon na
ginawa ko. Ewan ko. Wala akong alam. Oo, hindi ko talaga alam. Dahil wala
talaga akong alam.
Unang
araw ko bilang isang "1st year college student", seryoso mukha pa
kong nene, wala pa akong kaalam alam sa mga nangyayari sa paligid ko. Para
akong hindi taga-Sta.Cruz at para hindi ko alam na may ganito pa lang paaralan.
Ang daming tao, ang daming mukha, yung mga bago sa paningin ko. For short, na
culture shocked ako. Parang "totoo? college na talaga ko? Nursing na
ko".
Sa
paglipas ng oras, nakita ko at nakilala ko ang mga future classmates ko. Mga
makakasama ko sa araw-araw. Mga makakasalumuha at makakausap ko. Ni hindi ko
alam kung sino ang magiging kaibigan ko at kung sino ang hindi ko makakasundo. Pero
dahil may pagka-maldita ako. OO, inaamin ko maldita ako, alam ko kung sino ang
hindi ko makakasundo. Kumausap ako ng iilan sa kanila, meron madaling lapitan
at meron din mahiyain.
Eto
na, magsasabe na ko ng mga karanasan ko bilang isang "student nurse"
ika nga. Medyo may dating pag ganun ang tawag sa akin, o sa amin parang ang
taas na agad. Ibang level.
Sa
unang sabak, hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Ano ba? Paano ba magaral ang
isang "nursing student?" Meron kaming libro, at hindi ito isang
ordinaryong libro dahil eto ay LIBROOOOOOO. Yung umaabot ng hanggang 2000+ yung
page. Tapos hinati pa sa dalawang volume. Hindi ito madaling aralin dahil pag
binasa mo ito, sasakit ang ulo mo, dudugo pa ilong mo dahil hindi mo
maiintindihan yung mga terms na nakalagay at kakailanganin mo ng diksunaryo.
Pero hindi ordinaryong diksyunaryo dahil ang kailangan mo ay medical
dictionary. Panibagong libro na naman, ito ay naglalaman ng mga salita na may
kinalaman lang sa larangan ng medisina. Sa araw-araw na papasok ka, kailangan
mong magdala ng libro dahil kawawa ka kung wala kang dala dahil lagot ka pag
wala kang naisagot sa quiz, recitation o sa exam.
Kailangan
mo din ng log book, eto yung notebook na minsan ay kulay blue or green na
malaki, yung sa mga guard yung lagayan nila ng pangalan na may nakalagay kung
anong oras sila pumasok. Basta yun na yun. Dito mo isusulat ang mga notes,
assignment, mga lectures at yung mga nasa libro ay kailangan mo din isulat sa
log book. Nagtataka kami nung una, bakit kailangan pang isulat eh nasa libro
naman. Pero kailangan, kase hindi naman lahat ng nasa libro ay nababasa mo kaya
parang buod na lang yung nasa notebook.
Noong
1st year ako, may subject kaming Anatomy and Physiology kung saan
ang buong katawan ay pagaaralan mo, mula sa ulo hanggang sa paa hanggang sa
kaloob-looban hanggang sa pinaka-maliit na detalye ng iyong precious body! Nung
una hindi ako makagets dahil ang hirap niya talagang aralin, at isa pa mismong
doctor yung magtuturo sayo, kaya patay ka pag hindi ka talaga nakinig. Yung
ismong nagsusulat ka ng sinasabe niya bigla-bigla ka na lang tatawagin.
Nang
tumungtong ako ng 2nd year dito na nagsimula yung pagdu-duty ko sa
ospital. Ang una ay sa brgy. O yung tinatawag na Community Health Nursing kung
saan pupunta ka sa isang lugar at bibigyan mo ng halaga, alaga at impormasyon
yung mga pamilyang nakatira doon. Mainit! Oo, mainit! Masakit sa ulo yung
ginagawa namin dahil mula 7:30am-11:45am kailangan mong maglibot doon sa lugar
na yun. Kasagsagan ng init, kailangan mong tiisin. Meron pa kaming bitbit na
maliit na bag na kulay itim na ang laman ay sari-saring panturok, pang-BP,
thermometer, bulak, alcohol at kung anu-ano pa. Kapag umulan, ayan na! Hindi na
alam ang gagawin, mahirap ang daan, maputik, madulas ang dadaanan, yung black
shoes mong bagong kiwi eh pagalis mo dun may putik na. Pagtapos ay babalik kami
ng school, syempre baon-baon naming yung putik na nasa sapatos namin.
Pagtatawanan o kaya pagititinginan kami ng ibang department. At dahil sa
Community, halos lahat kami ay nasunog.
Sa
ospital, masarap magduty, masaya, madaming experience. Dahil dito, ditto mo
talaga maa-apply yung mga natutunan mo sa school. Mahirap lang kapag ang duty
mo umaga tapos malayo pa. Gigising ka ng madaling araw, maliligo tapos malamig
yung tubig at bibiyahe kasabay ng malamig na panahon. Sarap! Pagdating mo dun
sa ospital eh mukha kang bangag hindi pa nagsisimula yung shift eh feeling mo
pagod na pagod ka na agad. Inaamin ko, pinaka mahirap na area sa isang ospital
ay yung Pedia ward. Kung saan panay baby at bata ang makakasalamuha mo.
Kailangan maingat ka sa pagbibigay ng alaga sa kanila, dahil masyado silang
“fragile”. Kapag hinawakan mo, bigla na lang iiyak, tapos sabay-sabay na yun
silang iiyak. Ang sakit sa tenga, nakakarindi! Maswerte ka kung ang maaassign
sayo eh yung mga school-aged na, ayan medyo behave kaya ang sarap sa
pakiramdam.
Everytime
na nagdu-duty ako hindi pwedeng hindi ako makakaramdam ng anxiety, dahil baka
mamaya palpak ako, magkamali ako sa gagawin ko. Pero bago ako mag-start
nagdadasal para humingi ng guidance. Lagi akong maswerte sa pasyente dahil
minsan pauwi na, minsan naman ay cooperative, lahat ng tanong ko sinasagot ng
ayos. Pero syempre minsan, nagkakamali din ako. Yung hindi ko naibibigay sa tamang
oras yung gamot dahil hindi ko narecite kung para saan yun. Pero isang beses pa
lang naman nangyari yun at wala ng susunod. Haha!
Masaya
at masarap maging isang “student nurse” dahil dito mararanasan mo lahat ang
hindi nararansan ang isang ordinaryong estudyante. Yung makakakita ka ng laman
loob. Yung bubuksan yung tiyan tapos ilalabas yung bituka, hahalungkatin kung
meron mga depekto sa bawat organ na nasa loob. Yung namamangha ka pag may
lumalabas na bata sa p*pe ng babae, yeah! Medyo bastos pero totoo. Yung
mapapaisip ka na “paano nangyari yun? Paano nagkasya yung bata doon?” Yung
maaawa ka kapag yung nailabas na bata ay sobrang payat o sobrang liit yung bang
tinatawag na “premature baby” yung kulang sa buwan. Tapos pag ilalabas na yung
bata may kasabay na *poop. Medyo kadiri pero kailangan tiisin.
Sa
pagduduty ko dito ko naranasan maging kanang kamay ng doctor. Yung iaabot mo
yung mga instrument na gagamitin para hiwain o kung ano man ang gagawin kapag
ooperahan, yung kailangan alam mo kung ano yung susunod na iaabot dahil kapag
mali ang inabot mo, ibabato nila yan sayo. Swerte mo pag mataray yung doctor,
double anxiety!
Nung
nagduty kami sa Manila nung summer, eto ang pinaka masaya! Ibang experience.
Oo, parehas lang ang gagawin mo, pero iba yung “aura” o “set-up”. Sa San Lazaro
Hospital kung saan ang mga pasyente ay may nakakahawang sakit. Syempre
nakakatakot, pero kung nainom ka ng vitamins, aba’y lalakas ang iyong immune
system! Pero hindi na ganun katibay dahil masyado na kaming expose sa mga may
sakit. Dito nakahawak ako ng pasyenteng may dengue, may bulutong, may pneumonia
at ang pinaka-malala, may TB!!!! OO, may TB! Kailangan mo magsuot ng mask, at
hindi ordinaryong mask. Kung `di yung mask na tinatawag na “N95”, mask ito,
hindi ito cellphone na nasa isip mo! Google mo para malaman mo. At hindi lang
isang mask, kung di dalawang mask ang isusuot mo, pero kung gusto mo talagang
hindi makalanghap eh maglagay ka ng panyo sa loob para triple masking. Goodluck
sa paghinga mo! At pagtapos kausapin at hawakan ang pasyente kailangan mong
maghugas mabuti ng kamay at kung pwede lang eh hindi ka hihinga para talagang
hindi mo malanghap yung hangin. Dahil hindi mo alam, yung isang pasyente ay
umbo pala tapos humalo sa hangin at nalanghap mo pa! Saraaaaap!
Sa
Philippine Orthopedic Center kung saan ang mga pasyente ay may sakit sa buto,
nabalian ng buto, nawalan ng braso o binti, at kung anu-ano pa basta may
kinalaman sa buto! Dito nakakita ko ng pasyenteng may bakal sa katawan. Kung
hindi nasa loob ng katawan, eh nasa labas, nakasabit, nakakabit, nakatusok.
Mahirap kumilos dahil kapag nadali mo kung ano man ang nasa katawan nila, eh
siguradong mapapa-aray ang pasyente mo. Ingat ka.
At
ang huli, sa National Center for Mental Health. Alam mo ba kung saan yan? Yan
ay sa Mandaluyong loob. Oo, pag pupunta ka ng Mandaluyong, itatanong sayo, sa
loob o sa labas? Dito, dito talaga ang pinaka masayang experience. Pero syempre
sa una matatakot ka dahil hindi mo alam baka sumpungin yung pasyente mo at
bigla na lang magwala. Pero pasalamat kami dahil wala naman eksenang ganun.
Siguro sa ibang “pavilion” eh meron. Ang swerte swerte naming dahil ang
nahawakan naming pasyente eh hindi na nga matino may TB pa! San ka pa! Oo
nakakatakot pero kailangan mong tiisin at tanggapin yung ganung tao. Pag
kinausap mo sila kailangan mata sa mata, gagamit ka ng “therapeutic
communication” sabe nila. Hindi ka dapat magtatanong ng bakit dahil baka lalo
silang mabaliw sa kakaisip. Pero ingat ka, once na mapalapit ka sa kanila,
maaawa ka talaga sa kanila. Sabe nga, “sympathy” wag “empathy”.
4th
year na ko, 50-50 pa kung makaka-graduate ako dahil may thesis pa, madami pang
requirements ang kailangan tapusin at ipasa. Kailangan pang maka-complete ng
case sa operating room at delivery room dahil isa ito sa mga requirements para
maka-graduate. Mahirap. Sobrang hirap
maging isang “nursing student”. Nagduduty ka na nga, napasok ka pa sa school.
Hindi ka makakasingit ng mga extra-curricular activities dahil hindi mo alam
kung saan mo ilalagay. Mahirap sa schedule. Mahirap. Sobrang hirap.
Hindi
ko man ginusto ang “nursing” sa una, pero habang tumatagal minamahal ko na ito.
Kung gusto mo ang isang bagay, paghihirapan mo talaga para makamit mo yung
pangarap mo.
Ngayon
alam ko na kung anong pangarap ko, maging iyo. Charot Hindi, gusto kong maging
nurse. Hindi mali pa din, gusto kong maging isang “successful registered
nurse”.
Maraming
salamat sa pagbibigay mo ng oras para basahin itong ginawa ko. Wala kase talaga
akong magawa. Tinatamad ako.